May ilang araw na sunod-sunog ang pagtala ng bagong kaso ng COVID-19 sa syudad ng Baguio. Nitong umaga lamang ay nakapagtala ng tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa syudad na dahilan ng pag-akyat ng total number of aktibong kaso sa labing pito (17).
Ang tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City
Ayon sa tala ng Baguio City Health Office ang tatlong bagong kaso ay ang mga sumusunod.
- Isang limamput-pitong (57) taong gulang na lalaki at nakatira sa Barangay North Sanitary Camp
- Isang siyam na taong (9) taong gulang na babae na nakatira sa Middle Quezon Hill barangay at may “close-contact” sa isang may kaso ng COVID-19.
- Isang apatnapu at anim (46) na taong gulang na babae at nakatira sa Lualhati Barangay.
Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Baguio City, magpupulong sina Mayor Benjamin Magalong at Baguio City Inter Agency Task Force upang matugunan ang problemang ito.
Paalala sa mga Mamamayan Maari nating Maiwasan ng COVID-19 sa pamamagitan ng:
- Palagiang pag disinfect at tamang paghugas ng kamay.
- Pag iwas sa paghawak sa mukha kapag hindi pa nagdisinfect ng mga kamay
- Pagsunod sa panuntunan ng social distancing.
- Pag iwas sa matataong lugar
- Paglinis o pagdisinfect ng kapaligiran lalo na ang mga bagay na palagian nahahawakan ng mga tao.
- Pagsuot ng facemask lalo na sa pampublikong mga lugar.