Liquor Ban at mas mahigpit na Border Control Ipapatupad sa Baguio City

Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa syudad ng Baguio, ipapatupad sa syudad ng Baguio ang mas mahigpit na border control. Noon lamang sabado at linggo nakapagtala ang syudad ng dalawamput siyam na kaso ng COVID-19 (14 noong sabado at 15 noong linggo). Maliban sa mahigpit na border control, ipapatupad din ang Liquor Ban sa syudad. Maalalang tinanggal ang liquor ban matapos ang ilang buwan simula nung nagumpisa ang Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong isa ding dahilan ng pagbabalik ng liquor ban, ay dahil sa ilang kaso nang COVID-19 patients na nakipag-inuman ng alak sa kanilang mga kasamahan gamit lamang ang isang baso. Maaalalang ang Sars-COV-2, ang virus na nagdadala ng sakit na COVID-19 ay naipapasa sa pamamagitan ng respiratory droplets ng laway ng isang tao.

Pinapaalalahanan ang mga mamamayan ng Baguio City na sundin ang mga basic health and safety protocols, tulad ng pagsuot ng facemask, pagsunod sa social distancing, pag iwas sa matataong lugar, pagdisinfect ng mga bagay at tamang paraan ng paghugas ng kamay.

 


 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *